Nalalapit na naman ang "Father's Day".. sa bawat taon na lumilipas, dumadami ang mga kalalakihang pumapasok sa malaking responsibilad, planado man o ika nga ng iba eh "hindi sinasadya" na maging ama.. May naging ama sa pagkabinata,sa bendisyon ng pari, may responsable at meron din namang iresponsable. Sa kabila ng lahat ng ito, sila ay pare-parehas na matatawag nating "AMA" na dapat magsilbing haligi ng tahanan.
Sa ngayon, kung inyong mapapansin hindi na maikakaila ang pagdami ng ama na namumuhay na malayo o di kaya ay hiwalay sa kanilang mga anak. Sa ganitong sitwasyon, paano nga ba natin masasabi na ang ama ay haligi ng tahanan?
Sa kakulangan ng trabaho sa bansang Pilipinas, marami sa mga Ama ang napipilitang mangibang-bayan para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Unang-una na dito ang kagustuhan na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Mag-aabroad para mapag-aral ang mga anak sa pribadong paaralan para magkaroon ng maganda at de-kalidad na edukasyon. Pangalawa, para matustusan ang pang araw-araw na gastusin sa bahay tulad ng kuryente, tubig, transportasyon at pagkain. Pangatlo, ang mabigyan ang kanilang pamilya ng magandang buhay, isa na dito ang kagustuhang magkaroon ng sariling bahay para sa kanilang pamilya.
Ngunit ang lahat ba ng nabanggit ay sapat na bang basehan para masabi na ang isang Ama ay nagsilbing "haligi ng tahanan" sa kaniyang pamilya?
Sa kabilang banda, may mga Ama naman na mas nanaisin pa na manatili at magsilbi sa sariling bayan upang makasama sa pang-araw-araw na pamumuhay ang kanilang pamilya. Sabi nila, "iba pa din yung may kinakalakihang tatay". Tatay na katuwang ng ina na huhubog sa pag-uugali at pagkatao ng knilang mga anak, para sa paglaki ng mga ito ay magsisilbing magandang ehemplo sa lipunan at sa komunidad na kanilang ginagalawan.
Lahat ng tao ay may kaniya kaniyang pananaw sa buhay, lalong lalo na sa pagtataguyod ng pamilya. Kahit saan man at anu pa man ang paraan ng isang Ama para buhayin at suportahan ang kaniyang pamilya, basta't ginagampanan ang responsibilidad, pagsasakripisyo, pagpaparamdam ng pagmamahal ay masasabi natin na siya ay isang "haligi ng tahanan".
Para sa lahat ng mga ama, papa, papsy daddy, dada, tatay at itay...
HAPPY FATHER'S DAY!!!
Para sa lahat ng mga ama, papa, papsy daddy, dada, tatay at itay...
HAPPY FATHER'S DAY!!!